Wednesday, March 20, 2013

Limos Nang Kalayaan

            Cybercrime law o e-martial law para sa mga tumututol dito. Nung una kong narinig ang cybercrime law, pabor na pabor ako dito. Bakit? Kasi  ang tanging impormasyon lang na alam ko noon, ay ang mapipigilan ang mga bastos at walang pakundangang tao na naglalahad nang lahat nang gusto nilang sabihin. Makasakit man ito sa iba, o hindi. Kung ikaw ay isa sa mga nabiktima na nang ganitong kalokohan nang iba. Malamang pabor ka din dito lalo na kung hindi mo pa alam ang lahat tungkol dito.

            Ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ay nagkabisa noong Octubre 3 2012. Anim na araw ang bago pa man magsimulangmag protesta ang mga tao sa facebook, twitter at iba pang social networking sites. Isa sa pinaka common na pagpoprotestang ginawa ay ang pagpapalit nang kanilang profile picture sa facebook at ginawa nila itong itim lamang.

             Totoo nga na ang layunin nang pagpapatupad nang cybercrime prevention act na ito ay upang makaiwas o masolusyunan nag mga masasamang gawain nang mga tao na ginagamit ang cyberspace para sa ganitong gawain. Ang layunin ngbatas na ito ay upang magkaroon nang access an gating gobyerno sa ganitong mga gawain o upang magkaroon sila nang ngipin maging sa loob nang cyberspace.

             Ngunit dahil din sa ganitong layunin kung bakit sinasabing isa itong “silent martial law”. Ito ay dahil ninanais nito na masakop din nang ating batas ang lahat nang mgacrimen na napapaloob sa loob nang cyberspace at maisalin ang batas nang pilipinas sa cyberspace.



              Kung gusto mong malaman kung bakit mariing tunutotululan ito, Narito ang ilang mga impormasyong nakalap ko na nagsasasbi kung bakit hindi dapat pinatutupad ang Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act 10175:
1.       Ang batas ay maaaring isintabi nalang ang proteksyon nang freedom of expression.

          Freedom of expression, o malayang pagpapahayag. Sa batas na ito  maisasantabi ito, dahil sa simpleng pagpopost lang nag isang malicious na bagay ay maaari ka nang makulong nang labindalalawang taon na ika nga nila eh higit na mas malaki sa pagkakakulong mo kung manrarape ka ng iba. Sa ganitong bagay tingin mo bam as nakakatulong pa ito o hindi?

2.      Mabibigyan nang batas na ito nang kapangyarihan ang mga pambublikong ahensya na kontrolin ang paggamit nang internet nang mga tao.

             Kung ikaw isang taong internet na ang buhay, malamang sa malamang tutol ka dito. Pero  ganun ka man o hindi, sa tingin ko’y mali parin na gawin iyon nang gobyerno. Ang internet ay isang bagay na malaki ang natutulong sa mga tao. Isang bagay na kasama na sa pang araw araw na routine natin sa buhay. Ginagamit natin ito sa trabaho, sa pag-aaral, sa paglilibang, sa pagkikipag communikasyon sa mga malayong mahal sa buhay.
Kung gagawin ito nang batas na ito ay para narin nilang binalewala, ang karapatan nang tao.

3.       Lalawak ang sakop nang libel sa internet.

             Kagaya nga nang layunin nang batas na ito na sasakupin nito ang lahat nang krimen na nakapaloob dito. Maaaari nga na maganda na malulutas ang mga krimen sa loob nang cyberspace ngunit maaaring madamay naman ang mga tao wala namang kasalanan.

4.       Ang batas na ito ay tanging magagandang bagay lang ang gustong makita at marinig.

               Kung ikaw ay nagsusulat sa isangblog tungkol sa isang public official nang mga bagay na gusto mong ipahayag sa tao malamang sa malamang makakasuhan ka nang batas na ito. Sa madaling sabi tanging magagandang bagay lang nang ang maaari mong ilagay sa internet. At hindi mo na maaari pang ilagay ang iyong mga saloobin at ibahagi iyon sa iba, kahit pa iyon ay totoo o hindi. Ngayon mo sabihin saking may kalayaan ka.

5.       Hindi nito tunay na naproprotektahan ang tao.

             Kahit sino ay maaaring mang hack nang account. Paano kung ganito ang naging sitwasyon. Paano kung na’hack ang account mo at naglagay nang mga masasamang bagay, maitatangi mo bay un kung nasa mismong account mo yun? Sino sisisihin mo? Sino mananagot? Kung meron ka man sa isip na gumawa nun, may patunay ka ba? Sa medaling sabi, ikaw ay sasabihing may kasalanan, account mo un, responsibilidad mo. Makukulong ka nang walang kasalanan.

             Sa aking opinion, hindi ako pabor sa pagpapatupad nito, ito ay dahil sa dalawang dahilan. Una ay ang pagpigil nito sa karapatan nang mga taong magpahayag nang kanilang mga saloobin. Pagpigil sa atin na maglabas nang katotohanan. Na sa oras na maglahad ang isang tao nang tungkol sa isang pulitiko ay maaari na syang makulong. At dahil dito ay mabubuo na ang takot sa mga tao at patuloy tayong magiging pipi sa lahat nang bagay na mali.

               Ikalawa ay dahil sa maaaring pagcontrol nang ating batas sa maging sa internet. Ang internet ay isang media na malaki ang naitutulong sa mga tao. Malaya natin itong nagagamit na hindi tayo pinakikialaman nang iba. Nailalabas din natin ang ating mga saloobin dito nang wala nagbabawal sa atin. Maging ang ganito bang kalayaan aagawin pa sa atin? Na sa simpleng pag like lang ng facebook? Hidi akontumututol sa paglaban nang gobyerno sa kasamaan. Ang akin lang, wag sana tayo agawan nang kalayaan.

No comments:

Post a Comment