Wednesday, February 27, 2013

Another Plagiarism Case

http://www.google.com.ph/imgres


Matapos ang kontobersyal na issue ng plagiarism ni Sen Vicente Sotto ay lumabas naman ang isa nanamang kaso ng paglabag sa Intellectual Property Code ng Pilipinas ng isang senator, si Pia Cayetano. Ang dalawang senator na ito ay sinasabing nasa magkabilang panig tungkol sa issue ng Reproductive Health Bill.
Dalawa sa mga speeches ni Sen. Pia Cayetano ang mayroong mga salita ng pangongop mula sa mga blogs na makikita sa internet.
“becomes a problem since where mothers and newborns are distanced from life-saving interventions provided in health facilities by health professionals during intrapartum period, maternal and neonatal deaths are high.”
“do not routinely choose to deliver in health facilities and avail (themselves) of professional services due to several barriers, such as (1) hostile hospital system, (2) poor interpersonal skills of staff, and (3) financial, physical, social and cultural constraints.”

 Ito ang mga salita mula sa speech ni Sen. Cayetano noong Pebrero nitong nakaraang taon. Matapos ito mabasa ng isang grupo na tinatawag na “Pinoy Templars” ay agad sila nagsagawa ng isng masusing pag’kakalap ng impormasyon sa internet at lumabas na ang mga salitang ito ay may malaking paghahalintulad sa isang ni blog Health Undersecretary Mario Villaverde noong abril 2008.
Ang panghihiram ng impormasyon mula sa isang mapagkakatiwalaang source ay hindi masama, sahalip makakatulong pa nga ito upang maipakalat pa ang mga impormasyong makakatulong sa iba. Ngunit ang pag’gamit ng impormasyon ng isang source ay nagiging masama kung ginamit ito ng walang paalam o wala manlang paglalagay ng source ng kinuhaan. Ang ganitong paglabag ay pumapasok sa Intellectual Property Code of the Philippines.
Hindi rin maganda para sa mga taga gawa ng batas at tagapaglingkod  sa bayan na lumabag sa kanilang sariling ipinaglalaban. Ang mga lider ng isang bayan ay dapat lamang maging isang ihemplo sa mga taong rumirispeto sa kanilang kredibilidad.

Impormasyon mula sa artikulo ni Ms.Cathy Yamsuan ng Philippine Daily Inquirer

No comments:

Post a Comment